Saturday, June 9, 2007

Hoy! Pinoy Ako!



"Ipinagmamalaki ko na ako ay isang Pilipino." Isang pangungusap na paulit ulit nang sinabi ng halos lahat ng Pinoy. Ngunit bakit nga ba mahalaga ang lahing ito para sa isang tunay na Pilipino? Bakit nga ba sa kabila ng lahat, maipagmanalaki pa rin ang lahing ipinaglaban sa kamay ng mga mananakop? Ano nga ba ang meron sa pagiging isang Pilipino? Ikaw, ipinagmamalaki mo ba ang lahi mo? Tara, ibahagi mo!!

"Ano ang ipinagmamalaki mo bilang isang Pilipino?"




Christine Guison:

Nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil ginawa niya akong isang Pilipino. Marami akong maipagmamalaki bilang isang Pilipino. Isa na dito ang ating makulay na kasaysayan. Saludo ako kay Dr. Jose Rizal sa talas ng kanyang isipan at kay Andres Bonifacio sa kanyang katapangan. Dahil sa kanilang pagmamahal sa bayan, maipagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan. Maipagmamalaki ko din ang ating mga katangian bilang mga Pilipino tulad ng ating pagmamahal sa ating pamilya, pagiging masiyahin at maka-Diyos. Ang mga katangian na ito ay magpapakilala sa Pilipino sa buong mundo. Tunay na isang karangalan ang maging isang Pilipino kaya naman bilang isang kabataan na naglalayon ng kapayapaan ng bansa, gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para sa patuloy na pag-unlad at paginhawa ng Pilipinas at ng buong sambayanan. Mabuhay ang Pilipinas!

Naku, muntik ko ng makalimutan..maipagmamalaki ko ang ating masasarap at natatanging pagkain tulad ng sinigang, adobo, halo-halo at marami pang iba. Yum!



Norman Velasco:


Marami akong maipagmamalaki bilang isang Pilipino, ngunit tunay kong ipinagmamalaki ang isang katangian na masasabi ko na naghihiwalay sa atin sa iba, ang kakayahan natin na buong tapang na humarap sa anumang pagsubok na dumarating sa ating buhay, gaano man ito kahirap. Kitang-kita ang katangiang ito simula pa lamang noong unang panahon nang nilaban ni Lapu-Lapu ang grupo ni Magellan, hanggang sa paglaban ng mga Pilipino upang makamit ang kalayaan laban sa mga Kastila, Amerikano at Hapon at hanggang sa kasalukuyan, ang katangiang ito marahil ang naglagay sa ating mga Pilipino sa tugatog saan man sa mundo, maging OFW, atleta o ordinaryong Pilipino ka man.


Edsel Mendoza:



Ano ba ang maipagmamalaki ko sa aking pagiging Pilipino? Siguro, ang pinakamapagmamalaki ko ay ang katangian natin ng pagpupursigi upang makuha ang kalayaan, o ano man ang ninanais ng mamamayan. Malakas ang drive nating mga pilipino. Kapag mayroon tayong gusto, tiyak na makakamit natin! Natatandaan ko nga ang sinabi ng lola ko noon, Kapag hindi kyang gawin ang isang bagay, "Gumawa ng paraan..." alam kong madyo iba ang dating nito (parang pinapagalitan) pero tama lang din naman. Hindi ba "If at first you dont succeed, dust yourself off and try again..."Yun lang ang kailangan nating gawin at ang ating pagkapilipino ang isa sa mga tumutulong sa atin para makamit ang mga gusto natin, kung para sa sarili man, o para sa mamamayan.

Iwagayway ang bandilang Pilipino! Mabuhay ang Pilipinas!


Christel Espinosa:


Ipinagmamalaki ko ang aking pagiging Pilipino. Tayong mga Pilipino ay naiiba sa mga dayuhan sa ating pagharap sa mga problema. Gaano man kahirap ang ating kinakaharap na suliranin ay buong tapang at lakas-loob natin itong hinaharap. Hindi mo makikita na nahihirapan ang mga Pilipino dahil nakangiti nilang hinaharap ang mga pagsubok. Isa pang ipinagmamalaki ko sa ating lahi ay ang pagmamahal natin sa Diyos, sa pamilya at sa kapwa natin. Kitang-kita sa atin kung gaano kahalaga sa ating buhay ang Panginoon. Siya ang nagiging sentro ng ating buhay. Pangalawa sa Diyos, ang pamilya ang pinakamahalaga sa atin. Hindi natin nakakalimutan bigyan ng halaga ang ating pamilya at kahit anong mangyari ay tayo ay nariyan para sa kanila. Sa pagsapit ng mga suliranin, ang mga Pilipino ay handang tumulong sa kanilang kapwa. Hindi sila nagdadalawang isip na mag-abot ng kanilang tulong. Tulong-tulong ang mga Pilipino sa pag-abot ng kanilang mga minimithi.



Ako ay isang Pilipino. Ipinagmamalaki ko ito.



Reena Collado:

Ano nga ba ang maipagmamalaki ko sa pagiging isang Pilipino? E lahat halos ng mga kakilala ko ay nangangarap na umunlad sa ibang bayan? Sa katunayan, ang dami kong kaibigan na kumukuha ng nursing, mas madami daw kasing pera sa States. Pero bakit ako nandito? Bakit mahalaga pa rin sa akin ang pagiging isang one hundred percent pinoy?

Mahalaga sa akin ang pagiging isang Pilipino sapagkat ipinagmamalaki ko ang kakayahan ng bawat pinoy na mangarap- hindi lamang para sa sarili, kundi para sa bayan. Hindi natin maikakaila na mahabang panahon ang dinanas ng ating mga ninuno sa kamay ng iba't ibang mananakop; ngunit hindi ito naging dahilan upang mawalan sila ng pag-asa. Ang bawa't Pilipino ay tumayo at nanindigan para sa bayan.. Bawa't isa ay nangarap para sa lupang sinilangan. Ipinagamamalaki ko ang bawa't bayaning Pilipino, at ipinagmamalaki ko na ako ay Pilipino. Totoo, marami ang umaalis sa Pilipinas. Ngunit malaki ang aking paniniwala na saan man sa mundo, ang bawa't Pinoy ay may matayog na pangarap para sa kanyang iniwang bayan.. At dala dala niya ang lahing ito- ipinagmamalaki sa buong mundo.

Habang-buhay akong magpapasalamat na kabilang ako sa lahi ng mga taong lumalaban at nangangarap para sa bayan.

Reena Collado, Proud to be Pinay. ;)



Lee Anne Yabut:

MASARAP KAYANG MAGING PINOY!Sa panahon ngayon, naiintindihan ko naman ang mga tao kung sa tingin nila hanggang sa panaginip nalang ang pagunlad ng bansa, ang paglaho ng korupsyon at mga nandadayang opisyal, ang pagwala ng kahirapan. Hindi ako baliw para hindi isipin yan. Madalas napapabuntong hininga nalang ako sa mga balita pero isang araw (Lola Basyang ata ang labas ko nito), umuwi ang nanay ko sa bahay sabay kinuento ang kayang research tungkol sa ekonomiya ng Pilipinas. History kumbaga. Sabi nia: Alam niyo bang pumapangalawa ang Pilipinas sa pinakamayamang bansa sa Asya nung 1972? Pangalawa tayo sa Japan sa yaman, halos industrialized country na nga tayo kung tutuusin. Napaisip ako, kung kaya ng panahon noon na umunlad ng ganun (matapos ang World War 2, matapos ang pananahon ng mga dayuhan), bakit hindi kaya ngayon?

Masarap maging pinoy lalo na kapag nagpapakitanggilas sa isang environment na puro foreigner (at mga english-spokening-in-dollar na mga tao).Masarap maging pinoy lalo na kapag taas noo mong ipagmamalaki na marunong kang magsaing, kapag marunong kang ngumiti kahit gaano kahirap ang buhay, kapag marunong kang kumain ng balot (lalo na kapag nanunuod ka ng Fear Factor sa telebisyon), kapag marunong kang mag-English, mag-Tagalog,mag-Bisaya (may libreng exclusive language ka pa..secret language niyo un!). Masarap maging pinoy dahil sa aking opinyon, ang mga pinoy ang isa sa mga pinakaversatile na tao sa buong mundo. Nakaranas kanang maging mayaman-maunlad. Nakaranas ka narin ng hirap. Kaya ikaw ang may kakayahan para tumayo!Masarap maging pinoy! Kaya pare,ipagmalaki mo!


Lee Anne Yabut, P.I.N.O.Y: Pinaka-Incredible Na Oori-ng-tao,Yeahman!. ;)



Ernest Levanza:

Marami tayong pwedeng ipagmalaki bilang isang mamamayan nang pilipinas. Ang mga manga natin ditto ay tinuturing na pinakamasarap sa buong mundo. Ang ating pambansang kamao na si Manny Pacman ang laging namamayani pagdating sa boxing. Ang mga pamilya dito sa ating bansa ay tinuturing na pinakamatalik sa buong mundo at tayo ren daw ang pinaka hospitable at matulungin na tao. Ito ang mga maliliit na bagay na pwede na nating ipagmalaki.

Ang gusto kong bigyan pansin na bakit natin pwede ipagmalaki ang pagiging pinoy ay dahil sa ating kasaysayan. Noong mga panahon ng mga kastila, pinakita na ng mga pinoy ang ating katapangan at kamahalan sa ating kalayaan. May mga taong naging simbolo nang ating pagkatao at sila rin ang mga dahilan na bakit tayo pwedeng ipagmalaki ang ating mga sarile. Hangang sa kasalukuyan, nakikita natin ang mga minifesto nang ating mga ugali na ipinaglalaban ang mabuti para sa ating minamahal na bayan

Kayo, kabataan! Sagutin ninyo ang tanong na ito: Ano ang ipinagmamalaki mo bilang isang PILIPINO?

Ibahagi ninyo ang sagot ninyo sa amin at sa buong mundo!!

51 comments:

Anonymous said...

maganda ang pilipinas at talagang mababait ang mga tao dito kaya proud na proud ako!! -nigel

dave said...

Proud to be pinoy ako dahil masaya sa bansang ito at "hospitable" talaga ang mga pinoy.

Kahit may mga problema ay nagagawa pa rin nating ngumiti, pinoys are very positive.

Masaya rin sa pilipinas dahil sa mga kultura. napaka-makulat at tangi.

Proud rin ako sa mga tourist spots tulad ng intramuros, baguio,palawan, siargo, davao, cebu, bohol,boracay, at iba pa.

Physically, napaka ganda ng mga babae dito sa pilipinas. black hair, black eyes, sunkissed tan. EXOTIC. hahaha. Ü

Proud ako sa itsura ng mga pinoy. Pinakamaganda sa buong daigdig.


Napaka sociable nga mga pinoy, masaya sila kausap at makasama.

Sobrang saya ng mga piyesta sa Pilipinas. Umaapaw sa pulutan. masaya ang mga laro. atbp.

Modern na rin ang bansang pilipinas. Magaganda ang pasayalan, malalaki ang mga malls.


Mayroon rin tayong international singers tulad ni Jasmine trias ng american idol, billy crawford na male singer sa US, Lea Salonga sa Broadway,Apl ng Black Eyed Peas Nicole ng pussycat dolls.

at si Manny pacquiao. ang pambansang kamao ng pinas.

masarap rin ang mga pagkain dito. Sisig, crispy pata, balot, chicaron, sinigang, mechado, daing na bangus, bicol express, kare-kare, puto, bibingka, isaw, halo-halo , ADOBO , at marami pa! mmmmmm... sarap.

PROUD AKO MAGING PINOY!!!

das said...

bagama't inuulan ang ating lahi ng batikos at napapasailalim ang ating bansa sa maraming problema, masasabi kong hindi ko ipapagpapalit ang aking pagkapilipino sa kahit ano pa mang lahi. nakita ko sa mga pahayag ng mga bumubuo ng blog na ito na may pag-asa ang ating lahi. at naniniwala ako riyan.

Mabuhay ang Pilipinas. Mabuhay ang lahing Pilipino! :)

Roda said...

kanina napaisip ako kung bakit ang araw ng kalayaan natin ay ganun ganun na lamang inurong ng Pangulong GMA. Para sa akin nawawala na ang tunay na diwa kung bakit natin ipinagdiriwang ang makasaysayang araw ng kalayaan. Ito ba ay sa dahilang hindi nating ramdam na tayo ay tunay nang malaya? O baka naman ang karamihan lang sa atin ay hindi napapahalagahan ang pinaglaban ng ating mga ninuno dahil sa hindi nila ganap na nauunawaan ang ating kasaysayan marahil na rin siguro sa kamangmangan na dala ng kakulangan natin sa paaralan?

Paano ba natin maisasapusong muli bilang isang lahi, isang bansa ang araw ng kalayaan?

Jag said...

Para sa akin, isang malaking karangalan ang maging isang Pilipino dahil marami tayong katangian na sa atin lang makikita. Halimbawa na lamang ang pagiging matanggapin sa mga bisita. Sinisiguro natin na magiging comportable ang panandaliang pamamalagi ng ating bisita sa ating tirahan. Isa pa sa dapat nating ipagbunyi ay ang pagiging masayahin natin. Kahit inuulan ng problema ang ating bansa, tayong mga Pilipino ay taas noo parin at dinadaan nalang sa tawa ang mga pagsubok. Ilan lamang ito sa mga dahilan kung bakit masasabi kong PROUD to be PINOY!

Jag said...
This comment has been removed by the author.
Martini said...

Anlupit maging Pinoy?

Bakit?


Tayo lang ata ang lahi sa buong mundo na laging nakangiti..

Talunan, nakangiti... Maraming problema, nakangiti pa rin!



Kaya naniniwala ako na tayo ang pinakamalupit na lahi! Parang walang problema, laging sama sama, laging masaya!

Jake said...

Pinoy rules!
Tangina, i wouldn't trade it for the world!
Aangat rin tau! Basta magsama-sama tau!

tweet said...

dahil kakaiba ang mga pilipino.madaming katangian na naiiba.

tin. said...

ang mga pilipino ay wlang kapareho!:) yeaaaahhh!!:)

kisses :) said...

malupet :)) hahaha!!

kristine. said...

mapagmahal :D woo.

jillian said...

maganda ang katangian.. at ito ay maipagmamalaki ko sa lht!:)

Anonymous said...

dapat maging TAPAT sa BAYAN

Anonymous said...

We have unique personalities..!

Proud to be a pinoy!

-gart

kat said...

'one-of-a-kind' talaga ang Pilipinas at cyempre and mga Pilipino!=D saang lupalop ka ba ng mundo makakakita ng mga taong todo alaga sa mga bisita? saan ka makakatikim ng pagkaing makulay na, masarap pa (halo-halo)?! at saan ka makakarinig ng mga kakaibang kwento ni juan tamad at ni lola basyang? sa Pilipinas lang yan. ayus diba?! i'm so proud to be pinoy!=D

gela said...

isang karangalan ang pagiging isang Pilipino. hindi kaila sa atin na maraming naninira o nangmamaliit sa mga kakayahan nating mga Pilipino ngunit pinapatunayan natin na sila ay nagkakamali sa iba't ibang paraan at larangan na ating nalalaman. hindi ba't sa mga pahayagan at balita, maaring maraming masasamang lumalabas na kuru-kuro tungkol sa ating lahi pero lagi naman tayong may pambawing mga karangalan, bagong natutuklasan, atbp. iyan ang aking maipagmamalaki. hindi nauubusan ng lakas ng loob ang mga Pilipino. sa bawat bagyong ting hinaharap ay hindi tayo sumusuko. **habang may buhay, may pag-asa**

Anonymous said...

may mga katangian ang mga Pilipino na sadyang kakaiba

kheem said...

ang walang kapantay na pagmamahalan ng mga magkakapamilya =D

Anonymous said...

magaling tayo makibagay. akalain mong mas magaling pa tayo mag-Ingles kaysa sa mga Kano?!?

anne said...

pinoys have BIG families!


..and appetites.:)

Anonymous said...

pinoys have BIG families!


..and appetites.:)

Anonymous said...

...i love fish!!!

brent said...

syempre the people here are EXOTIC and hot and they have beautiful skin, and jet black hair.


i love how hospitable this country is.



they're very welcoming.. like me.

duh. im pinoy.

Anonymous said...

PINOY = magalang, matimpi, matatag, matindi, mapagmahal, mapagbigay, masahayin, at MAGALING. mabuhay

Anonymous said...

i'm so proud to be a pinoy!ü love it here!

Anonymous said...

maalaga ang mga pinoy sa mga bisita nila! iba talaga ang mga pinoy! -best

Anonymous said...

..iM pRoud tO bE pinOy!..

..kxE!..

..magagaLang tAyOh!..

..kHit eUng ibAh iNdi nUa!..

..aNd prOud akOh kxE mAgAndAh eUnG ksAysAyAn nTin!..

..aNd dbAh uNg mGa fOreinErz nAdAyOh pAh ditOH?..

..pAwA mkitAh nLa qkUng gAanOh tLgaH kgAndAh eUng piLipinAs!..

..kaiLangAn mgiNg prOud tEo qkUng anUnG mEoN tEo!..

princess said...

xeMpre typE TAYo NG MgA AMErIcANS.


sOsYALAn!!!#!


~14~

Anonymous said...

helloooo, BORACAY.

Anonymous said...

Yes! I'm proud to be 100% Pinay! We're HOT!-Bei

Earl L M Masacayan said...

Ang pagiging Pilipino ay isang kayamanang hindi pwedeng mabili. Ang mga dayuhang nagpupumilit na maging isang Pilipino ay kailanma'y hindi magiging isang tunay na Pilipino lalo na kapag walang dugong Pilipinong nanalaytay sa kanila. Tayong mga Pilipino ay hindi dapat matabunan ng mga kulturang banyaga sapagkat hindi tayo ang nakikinabang diyan. Huwag nating hayaan na alipustahin tayo ng mga walang hiyang banyagang 'yan na nakikitira na lamang sa ating bayan, sila pa ang mas mayaman sa atin. Lumaban tayo!!! Ipaglaban ang tunay na kalayaan ng ating bansa!!!

Anonymous said...

because we're friendly people..
because we're close to our family..
because we respect our elderly but still live a liberated life..
because pinay's are hot..like me! ;)

Anonymous said...

ipinagmamalaki ko ang mga pilipino sapagkat tayo'y kakaiba sa mga banyaga.. masasabi ko na tayo'y unang una, mapagmahal sa diyos at sa pamilya, malikhain, masayahin, matiyaga, masining, mababait, magagalang, matatalino, at magaganda hindi lamang sa panlabas kundi pati na rin sa panloob..

Anonymous said...

im proud to be a filipino because of the fact that i am a filipino. im pround of our country's history, diversity and how much we have accomplished over the years. except of course for our government but thats a whole different story all together. :)

Anna said...

Proud to be pinoy dahil sa mayaman nating kultura pagdating sa sining! Ma-talent ang mga Pinoy! Sa sayaw, kanta, teatro, literatura at visual arts! :)

- Anna Abola :D

Anonymous said...

we have the best beaches and the world's most biodiverse coral reefs.

Achelle C. said...

Ang mga Pilipino ay napakagaling sa ano mang larangan -mapaisports, arts, talino, SA LAHAT!
ang mga Pilipino ay mattiyaga kaya nga madami tayong mga OFW para lang mabuhay ang kanikanilang mga pamilya.
ang mga Pilipino ay hospitable. kahit na wala ng pagkain ay naghahain parin para sa bisita.
ang mga Pilipino ay matitibay. dahil kahit sa tindi ng paghihirap ay nakukuha parin nito ngumiti at magsaya.
PROUD TO BE PINOY!!!

raziel said...

I'm proud to be pinoy kahit marami ang naninira sa kanya... kahit hindi ako 100% pinoy... basta ang alam ko, dito ako lumaki - sa bansang ito. This country molded me. That's what I am proud of.

Eric Lim said...

maganda ang hangarin ng mga magaaral na ito. sana maipahayag ito sa mas maraming tao. tayo ay maging halimbawa sa mga iba. tulong tulong tayo para sa kinabukasan ng ating mga anak. huwag na ang siraan!

xan said...

Ang maipagmamalaki ko bilang isang Pilipino ay ang ating pagiging...

magalang - mayroon pa tayong mga salitang po at opo upang bigyang galang ang mga nakatatanda't nakakataas sa atin.

masipag - sa tuwing isinasapuso ng mga Pilipino ang mga gawain nila, hindi lamang para sa kita, meron pa ring "personal touch" sa outcome ng trabaho nila at may malasakit para sa pinagtatrabahuhan nila. Mahal nila trabaho nila.

the kind of hospitality we give to our guests - ibang klase nga naman daw dahil approachable ang mga Pinoy pagdating sa mga situasyon tulad ng mga turistang naliligaw (featured sa Noypi ng ABS-CBN)

pagpapahalaga sa pamilya - example: mayroong nagkasakit sa pamilya. Kahit lumiban sa trabaho, bibisita o mag-aalaga sila sa may sakit. Mayroon ding special leave ang mga empleyado para sa mga espesyal na okasyon tulad ng birthday, enrollment, etc.

matiisin - hangga't kayang pagpasensyahan, pagpapasensyahan.

Oo nga't mayroon din tayong mga negative side ngunit, sino bang wala, hindi ba? Kaysa puro negative ang tignan natin, why don't we appreciate na lang the brighter side of pagiging Pinoy? :)

Anonymous said...

Proud to be Pinay. Nothing beats being a Filipino.

Noel said...

1861 - Ipinanganak si Jose Rizal, Unang Pinoy! World-class Hero!

1896 - Mga Astig na Bayaning Pinoy, palaban sa mga Kastilaloy.

1899 - Unang Republika sa buong Asya ang itinatag ng mga Pilipino, Sun Yat Sen ng Tsina, na-inspired, kumopya!

1942 - Mga Bayaning Pinoy ng Bataan at Corregidor pumigil at sumira sa timetable ng mga Honda Boys.

1986 - Mga Bayaning Pinoy uli, masang Pilipino at mga intelektuwal, relihiyoso at di marunong mag-pray, nagsanib-puwersa para ibagsak ang isang diktadurya!

2006 - Mt Everest, may mga Pinoy na, may loading station na rin ng Smart at Globe sa tuktok. Lakas ng signal!

2008 - Unang set ng mga gold medals sa Olympics, sungkit sa Beijing!

Anonymous said...

masaya sa pilipinas noh!!!

hunnie said...

sadyang kakaiba ang mga pinoy sa mga iba pang lahi sa buong mundo

Anonymous said...

maparaan ang mga pilipino

Anonymous said...

I'm proud to be a Filipino. Especially in here, where i live at-its great! Everyone here likes chicken adobo (which nobody knew how to pronounce).

hey said...

the best ang maging pilipino! masarap kumain, magaling makisama, matatalino at magagalang.

Anonymous said...

I love the Philippines!!

Anonymous said...

FIlipinos are brilliant people!

Tiradauno said...

Gusto mo ba ng online work?
Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
Email me: tirada_uno_23@yahoo.com / tiradauno@gmail.com / n.helphelphelp@gmail.com
For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/